ENGR. NELSON P. RAMIREZ

Most Outstanding Marine Engineer Officer, PRC, 1996

Most Outstanding Student, ZNSAT, 1970

Outstanding Achiever of the Year, Province of Zamboanga del Norte, 2006

 

Mga kababalaghan sa mga kaso ng marino

May mga kwentong katotohanan o guni-guni na nangyayari  sa ating industriya na maaaring makabagbag damdamin o kikiliti sa inyong mga isipan. Hindi na kaila sa atin na may mga ahente sa mga ospital ng mga marino na tumatawag kaagad ng abogado na humahabol ng ambulansiya (ambulant chaser) kapag may marinong pumapasok at ginagamot sa isang ospital sa Sta. Cruz, Manila. 

Twist of luck

Isang maestro amo ang sumampa sa barko na paika-ika ang lakad. Napansin ito ng kanyang chief mate kaya tinanong siya kung bakit paika-ika ang lakad niya. Nakita ng

chief mate na namamaga at medyo may amoy na ang mga daliri ng kanyang paa. Isang araw, ayon sa kwento ni maestro amo, nang naglalakad siya sa kubyerta ay bigla siyang nadulas. Sa kanyang pagkakadulas ay biglang natanggal ang kanyang sapatos. Sa tiyempong yon, ay bigla namang may nahulog na twist lock at tumama sa daliri ng kanyang paa. Lumala ang sugat ng kanyang paa at nagka-diabetes siya na naging sanhi ng kanyang pag-uwi. Mantakin mo yan. Kahit isang daang libong beses na ulit-ulitin mong maglakad sa kubyerta, hindi mangyayari ang sobrang kamalasang yan. Ngunit may magagaling tayong mga abogado na pinapatulan ang mga ganyang kwento at may magagaling namang mga arbiter na pumapanig o naniniwala sa mga kwentong kutsero. 

Crouching Tiger HiddenDragon

Ayon sa salaysay ng isang chief cook, kaya daw lalong lumala ang kanyang sakit ay dahil nagtatrabaho siya na kinakailangang “in crouching position.” Para bagang “crouching tiger” sasine. Bukod pa dyan, nagbubuhat  daw siya ng spare parts at nakakaamoy siya ng usok ng makina, masamang amoy ng fuel at lube oil. Maingay din daw ang makina kungsaan siya nagtratrabaho. Kahit sino sa ating mga marino ay magtataka kung bakit nagtatrabaho ang isang chief cook sa engine room at nagbubuhat pa ng spare parts. Sa palagay ko, inutusan ng ating magaling na abogado ang kanyang sekretarya na gumawa ng position paper at nakopya naman ng sekretarya (copy and paste) ang reklamo ng isang oiler. Sa kasamaang palad, pinaniwalaa nnaman ito ng ating magaling na arbiter at pati na sa Court of Appeals. Parang kinopya lang bag  kung an oang nakasulat sa affidavit kuno ng marino. Kitam dyay! Parang kwento ng isang alamat.Sabado Nights Marami tayong naririnig nakwento ng mga marino na nagreklam odahil masama ang pagkain. Per okakaiba itong kaibigan nating bosun

Hinabla niya ang kanyang dating company asa sobrang sarap ng kanilan

pagkain. Biruin mo, mayroon silan Sabado nights kung saan umaabo sa 17 putahe ang kanilang pagkain at bumabaha pa ‘ika niya ang red wine at beer. Sa mga ordinaryong araw naman, nandyang pinapakain sila ng Peking Duck (ito na siguro ang tinatawag na pekeng pato) steak, hipon at iba pang masasarap na pagkain. Wala daw humpay ang pagkain nila ng masasarap kaya tumaas ang presyon ng kanyang dugo.Samantalang sa kanyang bakasyon, ang kinakain lang niya sa bahay ay isda at gulay. Ang nakapagtataka, hindi siya nagreklamo nang kabababa lang niya at hindi siya nagpakuha ng post medical examination kung totoong tumaas ang presyon ng kanyang dugo noong nasa barko pa siya. Kung kailan siya tumagal sa bakasyon at habang kumakain siya ng isda at gulay, saka naman ngayon tumaas na ang presyon ng kanyang dugo. Hindi ba pwede itong isali sa amazing stories? 

Who the hell are you?

Isang messman ang inoperahan ng hernia sa isang ospital sa Manila. Hilung-hilo pa siya at naka-wheel chair nang ilabas sa operating room nang biglang may isang lalake ang humabol sa kanya at pinapipirma siya ng “additionalbenefits.”Bigla siyang naalimpungatan at pinirmahan niya ang mga papeles. Natural mente, sino ba naman ang hindi gustong magkaroon ng additional benefits. Nang gumaling na siya, nagreport siya sa kanyang kompanya at pumirma ng kontrata para sa kanyang susunod na barko. Nagulat siya nang bigla nalang siyang tinawag ng kanilang opisina at pinagalitan. Nakatanggap kasi ang opisina nila ng summon galing sa NLRC na kinasuhan niya ang kanilang kompanya.

Natulala siya dahil hindi naman niya talaga kinasuhan ang kanyang kompanya. Ang sabi ng manager ng kanyang kompanya ay sumama na lang siya kung magharap-harap na lang sila sa NLRC. Sa isang opisina ng arbiter, sinabi ng kanyang abogado na kumakarera na hindi makakapunta ang kanyang kliyente kaya Special Power of Attorney na lang ang ibinigay sa kanya. Hindi alam ng kanyang abogado na katabi na pala niya ang kanyang kliyente. Ganoon din ang messman.

Hindi din niya alamna nandyan na pala ang kanyang abogado. Sinabi ng messman na hindi niya kilala ang abogado at hindi niya nakita ang taong ito kalian man. Iginiit niya na hindi niya sinampahan ng kaso ang kanyang kompanya. Ngunit Iginiit ng abogado na nagpunta siya sa opisina nito at may kasama pa nga siya. Sinabi pa niya na taga Nueva Ecija ang messman.

Nagulat ang messman dahil taga-Quezon naman siya at kailanman ay hindi siya tumira sa Nueva Ecija. Bweno, sabi ng abogado, kung gusto mong mag-withdraw pumunta ka sa opisina ko. Sumagot naman ang messman na hindi niya alam ang opisina nito at hindi siya pupunta doon. Ang nakapagtataka, sasunod nilang pagkikita sa NLRC, naglabas ng papeles ang abogado na inaatras na niya ang kanyang kaso at nakapirma na siya sa mga papeles na yon.

Kilala ko ang nasabing abogado ng messman. Kinasuhan nga niya ang isang kompanya dahil hindi tinanggap ang isang aplikante na estudyante ng kanyang eskwelahan sa Pangasinan. Ganyan katinde ang abogadong ito mga igan. Marami akong alam na kababalaghang ginawa ni Kumakarera. Halos natutulog na siya sa NLRC sa kaaabang ng kliyente. Mag-ingat sa  mga ganitong klaseng abogado. Sinisira nila ang industriya ng mga marino.

Akala mo nagmamalasakit sila para sa kapakanan ng marino pero ang kanilang parte sa bayad ng insurance company ang numero uno nilang habol. Halimbawa, may isang marino na PhP3.2 million ang tinatanggap na kabayaran mula sa insurance company pero PhP800,000 na lang ang nakuha niya. May isa namang marino na PhP5.2 million ang dapat tinanggap pero PhP1.8 million na lang ang nakuha niya. Paano, pinaghati-hatian ng ahente, abogado, arbiter at taga-insurance company kaya kaunti na lang ang natira sa pobre.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry