Maituturing kong isa na namang bahagi ng tagumpay sa isang yugto ng aking buhay bilang maritime voluntary arbitrator ng National Conciliation and Mediation Board nang ang aking dissenting opinion ay kinatigan ng Court of Appeals at ng Supreme Court. Bilang isang marino, maipagmamalaki ko na sa tungkulin kong ito ay kasama ko ang dalawang magigiting na Secretary ng Department of Labor and Employment, na sina Sec. Ruben Torres at Bienvenido Laguesma, mga dating Regional Trial Court judges, UP law Professors at mga batikang abogado. Sana ang mga naabot kong tagumpay ay maging gabay ng bawat magdaragat.

*** *** ***

Ang pinanindigan ko sa aking dissenting opinion na kung hindi magkapareho ang findings ng magkabilang panig ay dapat magkaroon ng 3rd doctor’s opinion. Napatunayan ko na tama ang aking natutunan sa aking pananaliksik. Ang aking kakulangan sa pormal na edukasyon na nakukuha sa pamantasan ay aking napupunuan sa pamamagitan ng sariling pananaliksik.

*** *** ***

Ang desisyon ng arbitrators ay napakahalaga. Maaari itong magbigay ng kasiyahan sa isang marino na sumisigaw ng hustisya ngunit maaari din itong magdulot ng malaking pinsala na hahantong sa kawalan ng trabaho ng daan-daang marino, katulad sa isang desisyon na naging sanhi upang palitan ang mga tripolanteng Pilipino ng ibang lahi. Maraming mga marino na nanunungkulan sa kompanyang iyon ng halos dalawang dekada ang tuluyang nawalan ng trabaho.

*** *** ***

Nitong mga nakaraang buwan, may mga nangyaring pagbabago sa industriya ng mga marino. Ang unang malaking pagbabago ay ang publication of the board examination test questions na ipinaglaban natin sa loob ng dalawang dekada. Ang pangalawa ay ang regional written examination sa Cebu at Davao, at ang pangatlo ay ang upgrading of marine officers na ang proposed Memorandum Circular ay nasa website na ng MARINA. Ang upgrading ng mga marine board officers ay isang laban na dati na nating nakamtan noon nang nasa Professional Regulation Commission pa ang pangangasiwa ng marine board examination at ang pagbibigay ng Certificate of Competency (COC) at Certificate of Endorseme nt (COE).

*** *** ***

Hindi naging madali ang karamihan sa ating mga laban at ang isa sa mga naging dahilan ay ang kultura ng marinong Pilipino na takot lumantad kung lalaban. Napapansin ko na dumarami na ang mga Facebook warriors ngunit ang nakalulungkot, karamihan sa kanila ay walang tunay na pangalan at mukha. Kailan tayo magbabago?

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry