The buoyage and the port system in the local waters are observably poor and as Philippines are now open for more trades, do you have any bill advancement of buoyage and port system locally?

There are so many things that has to be changed in order to improve our domestic fleet. As I understand, it is even more expensive to transport the rice from Mindanao than to import it from Thailand. We will study on how to abolish the cabotage law and perhaps give more incentive to shipowners.

Posted by: on Jun 13, 2013 read more

Bakit po ang sahod ng mga opisyal ay pataas ng pataas pero sa aming mga ratings ay pababa ng pababa?

Katulad ng mga nagtatrabaho sa lupa, pataas ng pataas din ang sahod ng mga nasa mataas na ranggo. Ang dahilan, kakaunti lang sila. Mura ang manga kung marami ang supply at nagmamahal kung wala sa tiyempo. Naglipana ang mga ratings kaya mura sila. Yan ang kasabihan na, a dime a dozen dahil nagkalat lang sila.

Posted by: on Jun 13, 2013 read more

Bakit po mayrong age limit sa seafarer na Filipino pero pag dating sa mga puti wala?

Dito sa Pilipinas marami rin ang mga kapitanes at opisyal na matatanda. Magagawa natin yan sa sarili nating barko ngunit hindi natin maaring pilitin ang dayuhang may-ari ng barko sa anumang kagustuhan natin dahil sila ang may-ari ng barko.

Posted by: on Jun 13, 2013 read more

Pwede po bang i-require ang mga Principals na mag provide ng free wi-fi on-board? Para makausap naman namin at makita ang aming pamilya sa Skype.

Ang free wi-fi ay hindi tungkulin ng isang kompanya nguinit maari itong ibigay nila bilang incentive para makaakit silang mga marino na mag trabaho sa kanilang kompanya.

Posted by: on Jun 13, 2013 read more

Ano po ang inyong magagawa kung kayo’y nakaupo na sa tungkulin?

Post Thumb

Ang una kong ginawa ay nag-file ng Magna Carta of Filipino Seafarers para magkaroon ng sariling batas ang mga marino na magbibigay sa kanilang proteksyon. – Cong. Em Aglipay

Posted by: on Jun 13, 2013 read more

Papaano po maaalis ang age limit sa companya? Wala na po bang karapatan sumakay ang mga seafarer na Señor Citizen? Pwedepo bang alisin na lang ito ng POEA?

Ang pag babawal sa AGE LIMIT ay hindi po maaring isabatas. Karapatan ng anumang kompanya ang pumili ng kanilang mga marino. Karapatan din ng isang marino na mamimili ng kanyang kompanya. Inaayawan ng ibang kompanya ang mga matatanda dahil mas madali silang magkakasakit at mas mahal ang premium ng kanilang insurance. Ang ibang mga matatanda […]

Posted by: on Jun 12, 2013 read more

Page 1 of 212