Bakit kaya palagi na lang may naririnig tayong mga marino na naging biktima ng katiwalian, pagsasamantala, at minsan naman, pag-aalipusta?

Sa aking karanasan bilang isang marino sa loob ng dalawang dekada  madalas kong makita na napagsasamantalahan ang karamihan sa atin dahil naging kulturana natin ang pagiging sunud-sunuran. Hinahayaan lang natin ang ganitong sistema.

Naging sunud-sunuran tayo sa mga baluktot na pamamalakad. Hindi tayo naninindigan at nakikipaglaban para sa ating karapatan. Natatakot tayong magtanong o manindigan, dahil baka mapasali tayo sa tinatawag na “blacklist” at hindi na makasakay ng barko.

Noong unang mga rally ng UFS noong 1994 sa harapan ng gusaling MARINA dahil sa kabagalan ng pag-isyu ng Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB), nakita namin na hating gabi pa lang ay daan-daang marino na agad ang pumipila para sa kanilang (SIRB). Nang yayain namin sila na sumali sa aming kilos protesta, bigla na lang silang naglaho. Iyon na sana ang pagkakataong maiparinig nila ang kanilang mga hinaing ngunit nagtago sila.

(1) Kailan kaya mawawaglit ang kulturang ganito sa ati ng mga marino upang isantabi muna nila ang kanilang takot?

(2) May magagawa pa ba tayo sa ganitong klase ng kulturang ating mga marino?

Bukasang FORUM naito para sainyongmgaopinyon.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry